Ang Natutuhan Ko Kay Lea

Isinulat ni: Nicole Zapata

Bilang isang taong mahilig sa musika at awitin, aking ikinagagalak na malaman na mayroong isang tanyag na mang-aawit sa ating bansa na ipinagmamalaki sa buong mundo. Ako ay nagagalak tuwing naririnig ko siyang umaawit dahil simula bata ay talaga namang napakataas na ng aking tingin sa kanya. Ang aking magulang ang nagturo sa akin upang kumanta na naging daan upang ito’y aking maging hilig. Ngunit isa si Lea Salonga sa mga taong aking hinahangaan, isa sa mga taong nagtutulak sa akin upang mas magaling pa at makamit ang aking mga pangarap kahit ano man ang mangyari.

Leave a comment