Ang Natutuhan ko Kay Lea

Isinulat ni: Kristianne Jemi A. Santos

Sa murang edad na sampung taon, napakita ni Lea Salonga ang kaniyang talento hindi lang sa Pilipinas ngunit pati na rin sa buong mundo. Ipinamalas niya ang kaniyang galing sa pag-awit at pag-arte na talaga namang pang-World Class.

Sa aking pagkakaalam, ang pagiging isang mang-aawit ay mayroon ding hirap at pagod na nararanasan. May mga training, auditions, practices at napakaraming oras na kailangan isakripisyo para lamang maging maayos ang mga song number performances na gagawin sa entablado.

Ang babaeng gusto ko maging, na si Lea Salonga, natutuhan ko na kailangan sa lahat ng bagay, oras o panahon lahat ng ginagawa ko dapat ay ginagawa ko ng buong puso ko. Dahil lahat ng mga gawang may puso ang mas katanggap-tanggap hindi lang sa Panginoon pero mas lalo itong nabibigyan ng kahulugan at madarama din ito ng mga tao sa paligid ko. Hindi lang iyon, natutuhan ko din na dapat kung anuman ang talento na ipinagkaloob sa akin ay gamitin ko ito at mas lalong pagyamanin at kung may pagkakataon ay ihayag din ito sa ibang tao kagaya na lamang ni Lea Salonga. Higit sa lahat, ako ay lubos na humahanga sa kaniya dahil dinadala niya ang pangalan ng ating bansang Pilipinas. Ipinapakita at ipinadarama niya na ang kaniyang tagumpay ay tagumpay din ng buong bansa. Siya ay isa lang sa mga maraming mga Filipinong puno din ng talento at wala kaduda-dudang pang-World Class. 

Ngayon, wala man nang proyekto si Lea Salonga na Broadway Musical kagaya noong panahon. Ang kaniya namang kontribusyon sa panahon ngayon ay ang kaniyang pagsusulong ng pagmamahal sa sariling musika o ang OPM– Original Pilipino Music. At hindi lang yan, kaniya ding ibinabahagi ang kaniyang mga kaalaman at kahusayan sa pag-awit bilang voice coach sa singing shows na kilala dito sa Pilipinas.

Hindi man ako maging mang-aawit katulad niya, nais kong maipamuhay ang mga aral na naidulot niya sa akin. Sa disiplina pa lang sa pagkanta, sa pagmamahal sa ginagawa, pagmamahal sa bansa at ang pagbabahagi ng kaalaman at kahusayan.

Leave a comment